Advertisers

Advertisers

Iwa Moto, alam kung gaano kamahal ni Ping Lacson ang Pinas

0 272

Advertisers

BILANG misis ni Pampi Lacson na anak ni Sen. Ping Lacson, natural lang na ito ang suportahan ni Iwa Moto sa pagtakbong pangulo ng bansa sa 2022.

“I fully admit yes I support my father in law. Because I personally knows how much he loves the country.  If you support him, thank you so much. If not naman its ok. But please we need to stop the negativity now,” post ni Iwa sa Instagram.



At dahil alam na nga mga tao, at maging ng mga celebrity kung sino ang mga tatakbo, may mga tumataya sa bet nilang iboto at ngayon pa lang ay inilalantad na nila ito sa social media.

Nirerespeto rin daw ni Iwa ang mga kapwa niya celebrity na iba ang sinusuportahang kandidato. Kaya umaasa siya na irerespeto rin ang desisyon niya.



At Dahil painit na ang labanan sa pulitika, nagsisimula na ring magbangayan ang mga tagasuporta ng mga kandidato sa pagka-pangulo. Pero sina Ping at ang vice presidential running-mate niyang si Tito Sen Sotto, eh may usapan na raw na itaas ang antas ng diskurso ngayong eleksyon.

Hangga’t maaari umano ayat hindi sila makikisawsaw sa away ng mga kandidato.



Mas aprub pa raw na ipakita nila sa masa ang gagawin kapag nanalo na nang maibangon ang bansa sa pandemic. (BKC)