Advertisers
HINDI pa tiyak kung papayagan na ang Christmas parties sa Disyembre, ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Binigyan diin ni Vergeire na titignan pa kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Paliwanag ni Vergeire, sakop ang mga Christmas party sa paghihigpit bilang bahagi ng patakaran ukol sa 3 C o crowding, closed contacts at kung minsan ay enclosed din ang pagdarausan ng pagtitipon.
Ang mga pagtitipon tulad ng Christmas party ay posibleng magdulot ng hawaan dahil sa pagsama-sama ng mga tao.
Paalala ng tagapagsalita ng DOH, ang pagpapatupad ng mga paghihigpit ay para maputol ang hawaan ng COVID-19 at masiguro ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa. (Jocelyn Domenden)