Advertisers

Advertisers

Cassy Legaspi pinaka-bagong brand ambassador ng Beautéderm

0 387

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SINIMULAN ng Beautéderm Corporation ang huling quarter ng 2021 kasama ang freshest at most exciting na young star na ngayon ay bahagi na ng ever-growing family nito sa pormal na pagsalubong nito sa TV personality at celebrity influencer na si Cassy bilang pinakabagong ambassador.

Mula nang itinatag ito noong 2009, naging lider ng beauty and wellness industry ang Beautéderm bilang isang respetadong distributor na pinagkakatiwalaan ang mga brand nito ng mga consumers di lamang sa Pillipinas ngunit sa buong mundo na rin, dahil na sa epektibong business model nito na nagbibigay ng long-term at sustainable na trabaho sa mga libu-libong mga resellers at franchisees.



Sa ngayon, mahigit sa isang daang produkto ang nasa ilalim ng Beautéderm sa mga kategorya ng Make-up and Cosmetics; Haircare; Body Care; Personal Care; Body Sets; Spruce And Dash Collection; Beautéderm Home; at Facial Care – na partikular na ineendorso ni Cassy.

Ang mga nabibilang sa Facial Care Line nito ay ang recently launched na Blanc Plus Sheet Mask at Blanc Plus Mask Serum; at kasama na rin ang Beauté L’ Elixir Skin Set; Beauté L’ Micellaire; Beauté L’ Créme Decollage; C’est Clair Acne Drying Gel; Acne Loin; at La Fraise Gommage Instant White Polish.



Si Cassy, na ine-endorse rin ang Caress Hand Sanitizer Spray, Etré Clair Mouth Spray, Glowtion Instant Tan Lotion, at Au Revoir Relax and Revive Lotion, ang ideal brand ambassador ng Facial Care Line ng Beautéderm dahil sa kanyang wholesome image at dahil sa kanyang malakas na reach sa mas batang segment ng merkado na makikita sa kanyang milyon-milyong followers sa social media.

Maliban sa pagiging isang major social media influencer, nagkamit si Cassy ng mas malawak na mainstream recognition nung lumabas siya sa GMA-7 top-rater na First Yaya na ginampanan niya ang papel ni Nina Acosta, habang co-host siya ng Sarap ‘Di Ba Bahay Edition kasama ang kanyang ina na si Carmina Villarroel at kapatid na si Mavy Legaspi mula 2018 hanggang 2021.



“Very welcome addition si Cassy sa Beautéderm and we are thrilled to have her on board,” ayon sa Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na ipinagdiwang kamakailan ang Royale Beauté 12th anniversary celebration ng kompanya.

“Cassy embodies the vibrancy of youthfulness and this best represents our line of products which are designed and formulated for all ages,” aniya pa.

Si Cassy naman ay napakaligaya rin, ngayong opisyal na siyang Beautéderm Brand Ambassador. “I am happy to partner with Beautéderm at sobra akong in love sa kanilang mga produkto. Gustong-gusto ko ang all-natural skin set na Beauté L’ Elixir at part na po ito ng aking daily skin regimen. Aside from being very mild, it smells so great at very effective ito in nourishing and cleansing my skin. I could really feel and see the glow of my skin mula nang ginamit ko itong skin set.”

Para sa karagdagang impormasyon at para sa mga exciting updates sa Beautéderm at kay Cassy Legaspi, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, ang @beautedermcorp sa Twitter, at @beautedermcoporation sa TikTok; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.