Advertisers

Advertisers

Sharon nanawagan na bumoto ayon sa konsensiya

0 455

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MAKAHULUGAN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na nanawagan siya sa netizens na piliin ang karapat-dapat na mga lider sa darating na 2022 national elections.

Panghihimok niya, ihalal daw ang mga kandidatong mapagkakatiwalaan at hindi tinatawag ang Diyos na ‘estupido’.



Dagdag pa niya, dapat din daw na ang mga iniluklok sa puwesto ay iyong mga walang bahid ng korupsyon.

Hindi rin niya napigilang banggitin ang isyu ng umanoý katiwalian sa kontrobersya tungkol sa kumpanyang Pharmally sa umanoý maanomalyang transaksyon nito sa pamahalaan.



“Piliin ninyo ang mga pinuno na may takot sa Panginoon – yung hindi tinatawag ang Diyos na “STUPID.” Ang walang paniniwala sa Panginoon ay nakakatakot mamuno, dahil ang diyos niya ang ang sarili niya,” ayon sa Megastar .

“Pumili kayo ng mga walang bahid ng korupsyon, may tapat na hangaring makapaglingkod at protektahan tayo,” dugtong niya.



Hirit pa niya, dapat din daw na maging mapanuri ang mga mamamayan sa mga opisyal na nagpapayaman lamang sa posisyon.

“Hindi yung wala na ngang trabaho ang mga kababayan natin, gutom na wala pang ayuda, ang bakuna kulang na nga pinababayaran pa – pero ang mga di makasagot kung saan na napunta ang bilyon-bilyong piso na napunta sa Pharmally pero kitang-kita ang mga magagarang sasakyan at biglang pagyaman ng mga kasali diyan, yun ang pinagtatakpan at pinoprotektahan,” deklara niya.

Sa huli, nanawagan din siya na dapat ay magising na at huwag padala sa pambobola ng mga pulitiko na mahilig lamang mangako pero napapako naman ang mga pangako.

“Magising na po tayo. Di na makausad ang Pilipinas! Tama na ang pambobola sa atin. Tama na ang pinagtatawanan ang Pilipino ng mundo. Naway tulungan tayo ng Panginoong Diyos. God bless us all po!,” pagwawakas niya.