Advertisers

Advertisers

Kahit mataba na… Lauren mahusay na aktres kaya kinukuha pa ring magbida ng Siyete

0 282

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI na ikinaila pa ni Andrea Torres na matagal na siyang tumatanggap ng suitors kaya lang naudlot nang magkaroon ulit ng ECQ.

Sa paglabas kasi ng isyu na pagkakaroon agad ng ex-boypren na si Derek Ramsay ng bagong girlfriend sa katauhan ni Ellen Adarna, marami na ang nagtatanong noon kay Andrea kung reaady  na siyang magpaligaw ulit, pero hindi naman siya nagbigay agad ng direct answer hinggil sa ligawan blues kundi having fun with friends.



Sa huling panayam kay Andrea ay inamin niyang may mga manliligaw na siya nang malaman ng mga ito na hiwalay na sila ni Derek and sometimes go on dating pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay inabutan ng strict ECQ uli ang bansa at naputol ang paglabas-labas ni Andrea.

“Yes! Actually nag-start na ko bago yung last ECQ, naudlot lang. Bago mag-last ECQ, lumalabas-labas na rin ako. Open na ’ko to meet other people.  Pero ‘yon nung nag-lockdown ulit, nag-stop muna siya, safety first,” say ni Andrea.



Para kasi kay Andrea, gusto niyang tuluyan na maghilom ang naiwang sugat sa kanyang puso sanhi ng  paghihiwalay nila ng dating boypren bago tuluyang magpaligaw. Hindi sinasara ni Andrea ang possibility na magkaroon siya ng bagong boypren kung kailan, yan ang ating pakaabangan.

Sa ngayon ay bisi-bisihan silang dalawa ni Kylie Padilla para sa promo ng kanilang mini-series sa WeTV titled “BetCin” at sa highest rating primetime serye nila nina Dennis Trillo, ang ‘Legal Wives”.



***

HALOS 2 taon na nawala sa limelight si Lauren Young, at ngayon ay nagbabalik-showbiz na siya sa pamamagitan ng “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” na silang tatlo nina Jak Roberto at Klea Pineda ang main characters ng naturang episode.

Happy and excited si Lauren dahil sa lead role ang kanyang balik-showbiz. At nang muling humarap sa kamera si Lauren ay totally nagbago na ang kanyang dating sexy body, naging medyo chubby na nga siya ngayon. Kaya tuloy sa tuwing may nakakakita sa kanyang old friends ay walang humpay ang tanong na palaging kung buntis ba siya.

“‘Yung pagbubuntis. I think, hindi pa ako buntis guys! Puwede bang nag-quarantine weight lang ako nang konti?”, sagot ni Lauren.

Kaya ganun na lang ang saya  ni Lauren na kahit medyo chubby siya ay kinuha pa rin ng GMA7 ang kanyang serbisyo bilang aktres.

“I’m happy that GMA is very forward-thinking when it comes to, let me say, for example because to be honest, they could cast anyone. A lot of actors are perfect-looking. I’m not one of them, but in my eyes I’m perfect. Char!

They always give me opportunity regardless of my weight. I’ve proven that when it comes to acting I can deliver. Whatever do I look like, they always cast me because they know I deliver. And that’s what matters most, acting above all. Kasi hindi naman ito pasikatan, ’di ba, ang showbiz? Patagalan s’ya,” dagdag na say pa ni Lauren.