Advertisers

Advertisers

LJ hirap pa ring patawarin ang ex-kalive-in na si Paolo

0 251

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MAALIWALAS na ang hitsura ni LJ Reyes taliwas nang maghiwalay sila ni Paolo Contis nang ma-interview siya ni Nelson Canlas sa 24 Oras, at kumpara sa naging interview sa kanya ni Boy Abunda na iyak siya nang iyak.

May pagkakataon pa na hindi maintindihan ang kanyang sinasabi. Pero sa interview ni Nelson ay kakaibang LJ  ang nasaksihan sa actress na ikinatuwa ng kanyang followers.



Tinanong siya ni Nelson kung handa na ba siyang magpatawad?

“Forgiveness is work in progress, di yun madaling ibigay. You work  for  it, you pray about  it.  For me, hindi siya madaling ibigay,” sagot ni LJ.



Ibig sabihin ay hindi pa siya handang patawarin si Paolo.

Kapansin-pansin sa buong interview kay LJ, kahit minsan ay hindi nababanggit ang pangalan ni Paolo. Matinding galit o sakit ang nadama ni LJ kaya hindi nito mabanggit ang pangalan ng ex-live-in partner.



Nasabi rin ni LJ na nagti-training siya sa coffee shop na pag-aari ng kanyang mom sa Brooklyn. Sa dami ng mga Pinoy na tumatangkilik sa shop ay nagpapasalamat siya na wala ni isang kababayan nating Pinoy ang nagtatanong ng kanyang personal life at wala rin bumabanggit sa pangalan ni Paolo.

Dahil doon ay ramdam niya ang binibigay na suporta sa kanya ng mga Pinoy na naka-base na New York kaya mas madali siyang makakapag-move-on.

Ibinalita rin ni LJ na ang panganay niya na si Aki ay uma-attend ng face to face classes sa New York kaya pagbalik ng panganay niya ng Pinas ay New Yorker na ang acccent nito. Si Summer naman ay laging sumasama kay LJ lalo kapag magpapakuha sila ng larawan.

Sa ngayon ay totally nakakapag-adjust na raw siya at kanyang dalawang anak na sina Aki at Summer sa Tate.

***

Bea  nag-enjoy sa Bubble Gang barkada

Habang  hindi  pa sinisimulan ang mga project ni Bea Alonzo sa GMA 7 ay guesting sa iba`t ibang programa ng Kapuso ang kanyang inaasikaso at isa nga sa show na kinatuwa at talagang nag-enjoy ang actress ay nang makasama niya ang Bubble Gang barkada sa pangunguna nina Michael V, Betong Sumaya, Boy 2 Quizon, Antonio Aquitania, Sef Cadayona, Paolo Contis at ang mga sexy BG na sina Valeen Montenegro, Kim Domingo, Arny Rose, Arra San Agustin, Denise Barbacena at iba pa nanggagandahang Kapuso stars.

Hindi lang pala sa drama magaling si Bea dahil maging sa comedy ay napakahusay nito at  ito  ay pinatunayan o nasaksihan nang mag-guest siya last Friday sa Bubble Gang.

Hindi kami magtataka kung kung muling magbalik guesting si Bea sa longest running gag show sa telebisyon na napapanood every Friday at 10:20 pm.