Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PAREHO ng proyekto sa bakuran ng GMA-7 ang dalawa na bagong Kapuso na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Abangers nga ang mga ito kung magkakasama sila sa project.
Till now kasi ay hindi pa rin masimulan ang proyekto ni John Lloyd dahil ‘di nagtutugma ang iskedyul nito para sa gagawin sa Kapuso.
Expected nga ng netizens na baka sina John Lloyd at Bea Alonzo pa rin daw ang magtatambal sa project.
Wish ng kanilang followers na magsama na ulit ang dalawa. Abangers din si Bea kay Alden Richards na matunog na makakasama niya sa project.
Bini-busy naman ni Bea ang sarili sa pagronda sa lahat ng programa ng GMA-7.
Pareho nga lang daw na abangers ang dalawa sa ibibigay na project sa kanila ng GMA-7.
***
SA post nga sa socmed ni Paolo Contis ay humingi naman ito ng kapatawaran sa kanyang mga anak na sina Summer at Aki na inako na rin niyang anak ang anak ni Paulo Avelino.
6 years din nagsama sa iisang bubong sina LJ at Paolo pero nauwi rin sa hiwalayan ang lahat.
Sa kabila noon ay move on na si LJ sa piling ng ina at kapatid sa Tate.
Sa paghingi ng sorry ni Paolo sa pamilya, inamin nitong gago at naging marupok nga siya.
Inamin ng aktor na may third party sa hiwalayan nila pero iniligtas si Yen Santos at wala raw itong kasalanan.
Sa ngayon ay di pa kayang patawarin ni LJ ang dating partner na maraming ginawang kasalanan sa kanya.
Dadrating daw ang takdang panahon ng pagpapatawad. Busy na ngayon si LJ na ‘di sinabi kung hanggang kailan sila sa Amerika ng mga anak.
Tumutulong naman si LJ sa restaurant ng ina at kapatid sa Tate at nakapisan din ito sa ina na ‘di nagtanong ng magkahiwalay sila ni Paolo.
Bagkus na-miss na nila si LJ na kanilang kapamilya na makasama.
Naka-enroll ngayon si Aki sa isang online class habang bitbit nito ang anak nila ni Paolo na si Summer.
Well, well, well…’Yun na!