Advertisers
Tatakbo bilang Kinatawan ng ika-6 na distrito ng Pangasinan si Teofilo M.Villamar sa ilalim ng partido ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).
Si Villamar na mas lalong kilala sa tawag na “Kuya Pilo” ng kanyang mga kababayan ay isang Marcos loyalist at avid supporter ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Dahil miyembro nga ng KBL, inaasahang malaki ang magagawa at maitutulong nito sa 6th district ng lalawigan sakaling manalo nga si BBM sa darating na May 9,2022 elections at kung papalarin din siyang (Villamar) mahalal na congressman, kaunlaran ng kanilang distrito at pag-aangat sa uri ng pamumuhay ng kanyang mga kababayaan ang una nitong pagtutuunan ng pansin.
Karagdagan negosyo at mga proyektong imprastraktura ang kanyang isusulong sa Kongreso para sa inaasam na pag-aasenso ng kanyang mga mahal na kababayan.
Isang certified workaholic person itong si Villamar na may ilang panahon na ring nagpakita ng kanyang pagmamahal at malasakit sa kapakanan ng kanyang mga constituents na may ilang dekada nang nabigong humanap na tunay na Kinatawan na tutugon sa kanilang mga pangangailangan .
“Kuya Pilo Villamar ang sagot sa karaingan ng mga taga-6th district ng Pangasinan”!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.