Advertisers

Advertisers

Barangay kagawad, 1 pa patay sa ambush

0 246

Advertisers

PATAY ang isang barangay kagawad at kasama nito nang pagbabarilin sa Datu Odin Sinsuat, Maguindano.

Kinilala ang mga biktima na si Mansor Andil, 34 anyos, kagawad ng Barangay Pandag; at Aliakbar Abdulatip, 37; kapwa taga Pandag, Maguindanao.

Sa report, 4:00 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Makir, Datu Odin Sinsuat.



Sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng highway, kungsaan sinundan sila ng 2 salarin na sakay ng dalawang motorsiklo at pinagbabaril.

Nasawi noon din ang mga biktima sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mabilis na tumakas ang mga salarin.

Nakakuha ang mga otoridad ang 7 basyo ng bala ng caliber .45 sa pinangyarihan ng krimen. (Mark Obleada)