Advertisers

Advertisers

Pulis huli sa kotong sa vendor

0 478

Advertisers

INARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) ang isang pulis na nangongotong sa fruit vendor sa ientrapment operation sa Quezon City.

Kinilala ang dinakip na si Corporal Myrldon Linga Yagi, nakatalaga sa Police Station 14 sa Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Brig. General Flynn E. Dongno, director ng PNP-IMEG, 9:30 ng umaga nang isagawa ang entrapment operation sa Brgy. Hall Annex San Simon St., Brgy. Holy Spirit.
Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng isang fruit vendor na kinokotongan ng pulis kapalit ng hindi pagsira sa kanyang fruit stand at pagbawi ng kinuhang cellphone.
Sinabi ng biktima na binugbog, tinutukan, kinuha ang kanyang cellphone at tinakot siya ni Cpl. Yagi.



Inaresto si Yagi nang tanggaping ang P2,000 mula sa biktima.

Narekober ng mga operatiba kay Yagi ang P2,000 mark money, 9mm service firearms, 2 magazines na may 16 bala, PNP Identification card at P1,635.00.



Nasa kustodiya na si Yagi ng PNP IMEG sa Camp Crame at sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong kriminal at admimistratibo.

Hinikayat ni Dongbo ang publiko na ireport o isumbong ang mga pulis na sangkot sa iligal na aktinidades sa PNP IMEG Hotlines: SMART- 09989702286 or GLOBE- 09957952569. Facebook Page: Integrity Monitoring Enforcement Group. Twitter Account: @imeg2017. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">