Advertisers
IKINOKONSIDERA ni Bongbong Marcos na maging running mate si Senador Manny Pacquiao.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, ito ay kung handa si Pacquiao na mag-slide down sa pagka-Bise Presidente.
Ani Sen. Imee, maganda kung sila ang magtandem dahil taga-Mindanao si Pacquiao at popular.
Humahanap talaga sila aniya ng makakatandem ni Bongbong na ang balwarte ay sa Visayas at Mindanao dahil sa malakas naman umano si Bongbong sa sinasabing solid north at malakas din ito sa National Capital Region.
Hinahanap din aniya ni Bongbong na makatambal ay makakasundo nito sa trabaho, may tiwala siya at yung magkakaintindihan silang dalawa.