Advertisers

Advertisers

Jonas Sultan wagi vs Caraballo

0 284

Advertisers

NAITALA ni Filipino bantamweight Jonas Sultan ang kanyang ikatlong sunod-sunod na tagumpay laban sa knockout artist Carlos Caraballo ng Puerto Rico sa 10-round war Sabado ng gabi sa Hulu Theater sa New York ( Linggo sa Manila)

Ang 29-anyos Sultan ay apat na beses pinadapa si Caraballo para masungkit ang unanimous decision victory, ang judges ay umiskor ng 94-93 pabor kay Sultan.

Pinadapa ni Sultan si Caraballo sa second at third rounds.



Dahil sa panalo umangat ang rekord ni Sultan sa 18-5 (11 KO’s) sa kanyang career, at maangkin ang tatlong dikit na tagumpay matapos idispatsa si Salatiel Amit noong Agosto 2019 at Sharone Carter sa Agosto ngayon taon. kabilang ang panalo kay reigning IBF junior bantamweight champion John Riel Casimero.

Samantala, ito ang unang kabiguan ni Caraballo, lumaban na 4-0 rekord — lahat galing sa knockout.