Advertisers
APRUBADO ng mga mall sa National Capital Region (NCR) na palawigin ang operating hours para sa Christmas season.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos, inirekomenda niya ito dahil dumarami na ang mga sasakyan sa edsa kung saan ay nagdudulot ng matinding trapiko.
Bagaman pumayag ang mga mall operators, nagpakita pa rin ito ng pagkabahala ukol sa curfew at limited capacity ng mga pampublikong sasakyan.
Samantala, sinabi ni Abalos na mayroon ng resolusyon ang mga alkalde ng metro manila ukol sa naturang curfew.