Advertisers

Advertisers

Covid update: 1,591 bagong kaso; 4,294 gumaling; 186 sawi

0 230

Advertisers

BUMULUSOK pa pababa ang bagong kaso ng COVID-19 matapos makapagtala lamang ng 1,591 ang Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Nobyembre 3.

Sa pinakahuling case bulletin ng DOH, nakapagtala na lamang ng 1,591 na bagong kaso ng sakit dahilan para maging 2,793,898 na ang total covid case sa bansa.

Mayroon namang 4,294 na bagong gumaling dahilan para umabot na sa 2,712,298 ang total recoveries.



Samantala, pumalo na sa 43,586 ang namamatay matapos na madagdagan pa ito ng 186.

Patuloy namang bumababa ang aktibong kaso na nasa 38,014 na lamang.

Sa kasalukuyan, ang National Capital Region (NCR) ay nanatiling nasa Alert Level 3. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)