Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
KAKAIBANG challenge para sa award-winning actor na si Joel Torre ang comedy-action movie na Barumbadings na pinamahalaan ni Direk Darryl Yap.
Dito’y gaganap sa kakaibang role sina Joel, Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Baron Geisler. Bibigyan ng twist ang kanilang pagiging barumbado at makikilala sina Raval, Fernandez, at Geisler bilang Barumbadings.
May challenge ba sa paggaganap niya ng gay sa Barumbadings?
Esplika ni Joel, “Siyempre, unang-una tinanggap ko ang role kasi nakita ko kung sino iyong mga kasamahan ko. All of the cast members or most of the cast members na kasama, hindi sila gay, so there lies the challenge. And it’s a novelty again, dahil mga totoong lalaki ang gaganap na mga bading.
“Of course, I was really challenged, in fact, I have a one on one kay Direk Darryl kung ano talaga ang concept niya about the movie.”
Dagdag pa niya, “It was a challenge for me of course… Phycially, it was very challenging to wear a bra for 24 hours or something like that. But the characterization was more important to me. Na in-explain naman ni Direk Darryl about the idea, the vision behind the movie.
“So, u-moo naman kaagad ako, wala naman akong qualm na kung ano. I just wanted to hear his side kung ano talaga ang gusto niyang ipalabas sa pelikula.”
Ano yung scene na talagang nahirapan siya?
“Aside from the physicality, first time ko sa tanang buhay ko na nagsuot ako ng bra, that’s one. So I empathized with the women how uncomfortable it is. First time ko rin I think, na nagsuot ako ng eyelashes.
“But aside from that, there’s that scene that Mother Joy has to make an ultimate sacrifice, without the protégés knowing it. That was a very difficult scene for me.”
Pagpapatuloy pa ng aktor, “It was a fun shoot, doon ako nahirapan talaga iyong mga emotional na eksena, but at the same time kailangang ideliver mo in a very feminine way. So, your feelings are very manly, pero kailangan ilabas mo in a very feminine way, with mascara smearing and everything.
“So you’re showing your deepest emotions in a very femine, not flamboyant, parang malambing na malambing (way). So kung puwede ka namang humagulgol, but at the same time i-taper down mo to be very womanly. So that’s one of the scenes.”
Si Joel ay si “Mother Joy”, isang bakla at sikat na fashion designer na may-ari ng dress shop na House of Joy. Kahit bruskong tignan dahil sa kanyang bigote at balbas-sarado, siya ay may malambot na puso, maawain at mapagpatawad. Kinupkop niya sina Izzy (Jeric), Jopay (Mark), at Rochelle (Baron) upang ilayo sa gulo, at ipakilala sa mundo ng beauty pageants.
Simula Nov. 5, 2021, mapapanood na ang Barumbadings sa Vivamax. Kasama rito sina John Lapuz bilang Queenpin, isang bakla, at si Cecil Paz bilang Buchi, isang tomboy. Dati silang magkarelasyon na naging mortal na magkaaway. Sila ang rason kung bakit nasangkot sa karahasan sina Izzy, Jopay, at Rochelle.