Advertisers
KINUMPIRMA ni Senador Manny Pacquiao na wala siyang planong iatras ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo at hindi siya interesadong maging running mate ni Vice President Leni Robredo sa 2022 elections.
Ito ay matapos ang panawagan na umatras na lamang ito sa pagtakbo sa pagkapangulo at sa halip ay maging bise presidente ni Robredo.
Tiniyak ni Pacquiao na buo na ang kaniyang desisyon na siya ay tatakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksiyon 2022.
Alam nito sa sarili na marami siyang magagawa para sa bayan.
Sa kaniyang talumpati sa Rotary Manila, nais daw niya ang tunay na pagbabago sa bansa at hindi lamang puro pamumulitika. (Josephine Patricio)