Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
BUHAY na buhay pa rin ang network war dahil parehong may inihandang pasabog ang rival networks na ABS-CBN at GMA-7 come November 9, Tuesday.
May mega announcement kasi ang Kapamilya network sa socmed page ng Dreamscape Entertainment na producer ng FPJ’s Ang Probinsyano tungkol sa pagpasok ng isang bigating star sa nasabing serye na hinuhulaang walang iba kundi ang Megastar na si Sharon Cuneta.
May teaser kasi itong: “MEGA ganda pa sa gabi ninyo. Parating na Sha.”
Hindi naman nagpakabog ang GMA-7 dahil nagpasilip din ito nang bahagya ng nakangiting mukha ng isang comebacking actor na may caption na :”He’s happy to be back. “
Hinuhulaan naman ng mga marites at mosang na ang mystery guy ay walang iba kundi ang dating Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz na napabalitang ang comeback TV project ay isang sitcom sa Kapuso station.
Kung sino ang mangangabog at magtre-trending sa dalawang stars ay dapat na lamang na pakaabangan.