Advertisers

Advertisers

Duterte inayawan ang sanib pwersa kay Pacquiao

0 271

Advertisers

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggihan niya ang alok ni Senador Manny Pacquiao na magsanib sila ng puwersa sa eleksyon sa susunod na taon alang-alang sa Mindanao.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Duterte na ang alok ay nangyari nang magkausap sila ni Pacquiao.

“Nung nagkita kami, sabi ko, sige, kausapin ko para deretsahan. Sabi niya na magsama tayo for the sake of Mindanao. Sabi ko, I’m sorry I cannot support you,” pahayag ni Duterte.



Kamakailan ay nagkita ang dalawa sa Malakanyang at ayon sa kampo ni Pacquiao ay napag-usapan sa pulong ang interes ng Mindanao.

Lumikha rin ito ng haka-haka na umatras na sa presidential race si Pacquiao bagay naman na agad pinabulaanan ng senador.

Matatandaan na nagkaroon ng matinding hidwaan sina Pangulong Duterte at Pacquiao na nauwi sa pagkakahati ng PDP – Laban party.