Advertisers

Advertisers

Bagets binaril-patay ng pulis

0 352

Advertisers

PATAY ang 19- anyos na binata nang mabaril ng pulis sa Bacolor, Pampanga, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Abelardo Vasquez, residente ng Tramo, Bgy. San Vicente sa bayang nabanggit.

Habang ang salarin ay si Police Corporal Alvin Pastorin, 33 anyos, ng Brgy. Pogombua Aguilar, Pangasinan, naka assign sa Bacolor Municipal Police Station.



Sa report, nag-ugat ang insidente nang sitahin ng pulis ang biktima at ang apat pa nitong kasama dahil walang suot na facemask, hanggang nauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Nakasaad pa sa report ng PNP na pinagbabato at kinuyog ng grupo ng biktima ang pulis kaya nagpaputok ito ng baril na ikinasawi ng binata.

Pero depensa ng pamilya ni Vasquez, walang kinalaman ang binata sa naturang komosyon, dahil ibang tao ang sinita ng pulis.

Nasa labas lang umano ang biktima at naglalaro sa kanyang cellphone nang barilin ito ng malapitan ni Pastorin.

Tama sa leeg at dibdib ang ikinasawi ng biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">