Advertisers

Advertisers

AICC Manila kampeon sa FilBasket

0 277

Advertisers

NABIHAG ng AICC Manila ang FilBasket Subic Championship title Lunes ng gabi matapos masilat ang San Juan, 72-68, sa Subic Gym.

Pinamunuan nina Michael Mabulac at Chris Bitoon ang opensiba ng Manila Dribblers’ sa winner-take-all finals sa kanilang best-of-three series na may pinagsamang 31 points.

Humatak rin si Mabulac ng eight rebounds at three steals, habang si Bitoon six boards.



Nagwagi ang San Juan sa first game Sabado, 80-74, pero nakabawi ang Manila sa game two 74-70, Linggo para ipuwersa ang winner-take-all match.

Pinamunuan ni Gabo ang Manila sa kabuuan ng title series na nag average ng 14.3 points, three rebounds at three assists per game para maangkin ang Finals Most Valuable Player plum. Nag-ambag ng 10 points, three boards at six assists sa Game 3.

Abando nagtapos ng 17 points para sa San Juan, Habang si Clarito umiskor ng 11 points. Orlan Wamar at Renato Ular nagdagdag ng tig-10 sa kanilang talo.

Samantala, nasungkit ni Medical Depot’s Simon David Camacho ang Conference Finals MVP plum.

Bahagi ng Mythical team sina, Muntilupa Defenders’ Thomas Torres, Nueva Ecija Bespren’s Renz Palma,Wamar at Mabulac.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">