Advertisers

Advertisers

Nanakawan na nagpasalamat pa

0 2,431

Advertisers

LIKAS na mabait ang mga Pilipino, na karaniwang mapagpatawad at limutin ang nakaraan. Ang daang taon na pananakop ng iba’t – ibang lahi sa bansa ang nagbunsod sa iba’t – ibang kaugalian, tulad ng ugaling mapagbigay, mabait, pag-tanaw ng utang na loob at hindi mapagtanim ng galit sa sino man. Ang kaugaliang ito’y kalakasan at kahinaan ng lahing Pinoy. Kalakasan dahil hindi ginagawang balakid sa buhay na ipagpatuloy ang dapat gawin ng walang bitbitin sa balikat na maya-maya’y iniisip. Sa isang banda, kahinaan, dahil sa halip na kapulutan ng aral , sige na lang at bahala na sa susunod na hakbangin. Ang pagpupulutan ng aral ang nakaraan ang dapat maging kaugalian ng ‘di matanso sa hinaharap, tila maganda ito para sa buhay.

Ang kalakarang politika ang kadalasang dahilan ng pagmamalabis sa Pilipino sa maraming panahon. Nariyan na ginagamit ang hanap buhay na ito ng mga taong mapang-isa sa kapwa na ang pamumuno’y siyang sandata sa pagkamal ng kayamanan sa harap mismo ni Mang Juan. Ang mga pag-aari na nakamit dahil sa lupit ng panggagago ng mga nanunungkulan ang dahilan bakit naging kakarampot ang pagmamay ari ni Mang Juan na siyang nagsaka’t naglinang ng maraming lupaing bayan, hindi pa kasama dito ang WPS. Gamit ang pwesto, maging ang mga buwis ng bayan, ang pulitikong nasa pwesto’y pinamumukha kay Mang Juan ang mga pinagawang mga pamilihan, kakalsadahan, liwasan at imprastraktura, sa ngalan ng serbisyo’t pag-unlad ng bayan. Gayung sa katotohanan, lumayo ang pagitan ng kanilang katayuang panlipunan, katayuang pang kabuhayan at ng mismong tinitirikan ng bahay, ito ang pag-unlad, ang kanilang pag-asenso. Habang si Mang Juan nawalan na ng sakahan o nanakawan na nagpasalamat pa, kailan ka gigising sa katotohanan?

Pabilisin ang ikot ng mundo’t sa kasalukuyang kalagayan, mapapansin na pareho ang istilo ng mga pulitiko na lantaran ang paglililo upang makuha ang basbas na palakol at paghahati sa tatal ng paniniwala. Papalakol upang ang maliit na bahagi ng kahoy mapunta sa isang banda habang ang malaking pakinabang mapunta sa kanila. At habang lumalaon, mas lumalaki ang pagnanasa na mapanatili ang tinatamasang kasarapan sa buhay na ipinagkibit balikat ng bayan. Sa totoo lang ang mga politiko sa kasalukuya’y aral sa nakaraan, sarili, sarili at ang pamilya ang una.



Hindi kakitaan ng pagsisisi’t sumisidhi ang layon na makuha ang lahat para sa bisyo at ginhawang tangan. Habang ang mga bulag sa pakinabang ng nakaraa’y tila dugong dumadaloy sa anak ng mga kasalukuyang tagasunod sa lumang administrasyon. Hindi lang ito, nariyan na ginagamit ang batas upang pigilan ang anumang hamon na pipigtal sa pagnanais na halos nasa kamay na tagumpay. Walang problema sa pantustos, gawin at kunin ang dapat kunin ang kailanga’y desisyon para sa kinabukasan. Walang puwang si Mang Juan sa larong ito dahil siya’y manghahalal o laruan lamang?

Sa paglalaro ng nasa poder, ang panlililo sa pagpapa-abot ng mga impormasyo’y karaniwang pangogoyo sa kaisipan ng balana upang mapag-usapan kung sino o ano pinatutukuyan ng talampas. Malinaw sa paglalarawan kung sino ang tinutukoy, sa hindi pagbabangit ng kung sino, ang pabulaana’y kadali at bahala si Mang Juan na maglarawa’y kung sinong politiko pinarunggitan, ang ‘di pagtukoy sa ngala’y isang libreng ticket na makalusot sa pahayag. At kung sino ang bumula ang bibig ito marahil ang pinatutukuyan.

Habang sa kabilang banda ng langitngitan, ang walang pagpapahayag ang mainam na takbo’t hayaan ang mga kaalyado ang bumangga kung sino man ito. Ang pag-usapan at salsalin ng media’y isang bentahe ng masasabi upang nanatiling lutang ang ngalan sa bayan. Ang iba’t – ibang uri ng gimmick tulad ng paghuhubad sa entablado’y isa lamang gimmick na gagawin ng mapag-usapan, musta yorme? Sa pagsusuri pabor sa pinatutukuyan kung sino ka man, dahil kusang titining ang usapin sa tamang panahon. Ang lahat ng kaganapa’y puro zarzuela at sa dulo, sila ang magkakampi..

Ang pag-ikot ng buhay ni Mang Jua’y sa panahon ng halala’y puno ng hapis na pasanin sa hinaharap. Ang pagkalap ng pondo na gagamiting panlililo kay Mang Jua’y dapat damihan ng masiguro ang panalo sa halalan. Ang paghahanda sa kasalukuya’y seguridad ng kinabukasan na ng mga mapag-imbot sa bayan. Ang anomalyang milyo’y ‘di pansin, kung sandali lang gagamitin, kailangan sako-sakong salapi ng bayan mula PhilHealth, Pharmally maging ng mga Balikatan, ang sapat na puhunan sa halalan, subalit hindi ito kasiguruhan.

Ang pagsusog na panlililo ng mga impormasyon hanggang sa aktwal na nakaw ay hindi maitatago sa mata ni Mang Jua’y. At sa paglalabas ng kahiligan ni Bong Singhot sa Coke, mukhang gimmick ang lahat ng ito sa ngalan ng halalan..



Galit ang grupo ng IDG sa anomalyang barya-barya at hindi kakampi ang may sala. Nariyan na ibinandera ang mga kagawad ng Adwana na nahuli sa pangingikil, subalit tahimik sa milyong-milyong pisong kontrata na napasukan ng mga kalahi sa COMELEC na malaking bentahe sa halalan, ang napakalaking ma-anomalyang kontrata ng Malampaya na bilyon-bilyon ang usapin na maaaring tumagal kahit ala na sa pwesto si TK. Galit sa baryang kita ang IDG, ingat mga katoto, baka maging accomplishment ng administrasyong ito.

Ang marahas na panlilo’y patuloy na ginagawa sa ngalan ng laban sa lahat ng ‘di kakampi. Ang sako-sakong perang ginagamit para mahalal ang mga magsiguro sa marangya pagbaba sa katapusan ng panunungkulan. Ang nakalahad na mga programang baya’y huwad at nakasalig sa pansariling pakinabang. Ang mga pondong bayan na ipinasok sa mga programa ng pamahalaa’y tunay na in-aid-of election at tuwirang pangagago kay Mang Juan.

Sa haba ng halalan, ang pagsisiguro’y ‘di katiyakan ng pagkaluklok sa pwestong inaasam. Ang kalidad ng pagkatao ni Mang Juan tulad ng teknolohiya na upgraded na, nagbabasa, iniisip ang sistema at nagpoproseso kontra virus ng lipunan. Mabait, matiisin, hindi mapagtanim, ngunit natuto na sa karanasan at batid ang dapat iwasan ng ‘di masira ang gadyet sa kinabukasan. Hindi gagawin na pasalamatan pa ang kawatan sa halip magkikita sa harap ng hukuman. Ang hatol ng baya’y nalalapit at handang wakasan mapagkait na pamahalaan lalo sa tulad ni Mang Juan. Ang pasalamat sa nakawan na malupit ay pasalamat sa pagkagising ng diwa’t damdamin ng kinabukasan. Bayan salamat sa diwang gising na nagtataguyod sa kalimbahing magigiting!!!

Maraming Salamat po!!!!