Advertisers
NASAWI ang isang pulis nang pagbabarilin sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ni Ampatuan Chief of Police Lt. Rey Samson ang biktima na si Corporal Henry Mangaser Olindo Jr., 44 anyos, may asawa, ng Barangay Rosary Heights 6 sa Cotabato City at nakatalaga sa police station ng Lumbatan, Lanao del Sur.
Ayon sa ulat, sakay ng kanyang motorsiklo si Olindo patungong Ezperanza, Sultan Kudarat nang sundan ito ng riding tandem assasins at pinagbabaril.
Sa ulo tinamaan ang biktima, ayon sa ilang nakasaksi sa insidente.
Narekober sa crime scene ang ilang empty shells ng caliber .45 pistol.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang PNP sa krimen.