Advertisers

Advertisers

Senado target na makapagbaba ng hatol sa impeachment trial ni VP Sara sa Disyembre

0 2

Advertisers

UMAASA si Senate President Sherwin Gatchalian na makapagbaba na sila ng verdict o hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte (VPSD) sa Disyembre.

Ani Gatchalian, dahil sa bagong timetable ng trial ay umaasa siyang mapapabilis ang proseso at pagsapit ng Disyembre ay mayroon na silang verdict sa bise.

Sinabi ni Gatchalian na malaking bagay ang pagbabawas ng prosekusyon ng kanilang mga witnesses matapos na hindi na pahabain kahapon ang 15 natitirang mga testigo para sa Article 1 o ang hindi tamang paggamit ni VPSD sa confidential funds.



Depende naman aniya ito sa bilang pa rin ng testigo at mga ebidensya na ipiprisinta naman ng depensa oras na matapos ang presentasyon ng prosekusyon para sa apat na articles of impeachment.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">