Advertisers
Arestado ang isang lalaki sa pagbebenta ng shabu na nagkakahalagang P1.6 milyon sa Taguig.
Nagsagawa ng buy-bust operation sa Barangay New Lower Bicutan sa Taguig nitong Biyernes ng gabi.
Nahuli ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga.
Sa ulat, narekober sa suspek ang limang sachet ng shabu, isa sling bag, at P6,000 na buy-bust money.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.