Advertisers
NASAWI ang mag-ina nang pagbababarilin sa Talayan, Maguindanao nitong Linggo.
Kinilala ang mga biktima na sina Zahariya Bansuan at ang anak nitong si Zainudin.
Ayon kay Maguindanao Police Director Colonel Jibin Bongcayao, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang tambangan ang mga ito ng mga sakay din ng motorsiklo sa national highway sa Talayan. Mabilis na tumakas ang mga salarin.
“Our theory, for now, is that there was a grudge between the family of the victims and their attackers. The husband of the slain widow was killed in Cotabato City prior to this incident,” pahayag ni Bongcayao.