Advertisers
NASAWI ang isang municipal councilor nang pagbabarilin habang nakatayo sa tabi ng kanyang nakaparadang sasakyan malapit sa munisipyo ng Sarrat, Ilocos Norte nitong umaga ng Lunes, Disyembre 6.
Kinilala ang biktima na si Sangguniang Bayan (SB) member Apolonio Medrano.
Nabatid na nag-attend ng flag raising ceremony sa munisipyo ang biktima at habang nakatayo sa tabi ng kanyang sasakyan sa lugar kungsaan siya madalas mag-park ay nilaputan ito ng mga salarin at agad pinagbabaril.
Mabilis na naisugod sa ospital ang biktima pero hindi na nagawang maisalba pa.
Patuloy pang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya.