Advertisers

Advertisers

CROWD FAVORITE SI SENATORIABLE MONSOUR

0 314

Advertisers

DAHIL sa pagiging tanyag sa larangan ng sports, showbiz at public service, di na kailangan ni Senatoriable Monsour del Rosario na mag-create ng public awareness o magpapansin upang siya ay makaakit ng crowd sa mga personal appearances na kanyang dinadaluhan.

Likas naman kasing magiliw ang Pinoy taekwondo Olympian, sports official, actor, councilor at congressman sa lahat ng kanyang mga nakakadaupang-palad na kababayan at ang kanyang pagiging masa ang dating ay walang halong kaplastikan. kaya bawat individual, fans man o hindi ay naipagmamalaking nakilala na nilang personal ang napakabuting tao palang si Monsour del Rosario.

Sa totoo lang, sa lahat ng mga aspiranteng Senador para sa Halalan’ 22, si Monsour ang isa sa mga pinaka-qualified na maging Mambabatas sa Mataas na kapulungan kung sa karanasan, track record, talino,karisma sa tao. kundisyong pisikal at pagiging young blood na nararapat lang sa Senado upang makapanglingkod nang husto sa mamamayang Pilipino.



Kaya nga sa darating na May Election’22, for sure na si Monsour,,, mamamayagpag sa plenaryo si del Rosario.

Ibasura na ang mga epal na Senador na nanliligaw na naman sa tao para sa kanilang re-election at iyong mga dating pangalan na nagnanais bumalik sa Senado na puro wala namang nagawang mabuti para sa tao. Iyong mga nagpayaman lang dahil sa kapangyarihan at iyong mga naging jobless na ginawang hanapbuhay ang pagiging pulitiko.

Sipain ang mga walang silbing comebacking Senators. Kilala na sila ng taumbayan. Bagong mukha naman…ABANGAN!!

PARATING NA ANG MAAGAP PARTY

SA dami ng mga nagsulputang Party Lists na nais maging bahagi ng Kongreso, iilan lang ang mga natatanging partido na lehitimong kakatawan sa merginalized sector ng ating lipunan.



May mga kung anu-anong pangalan ng party List na ang mga nasa likod ay ang mga laos nang. pulitiko na alan nang pag-asang manalo sa elective position at meron namang nakakagoyo pa ng boto- ang mga pulahan.komunista o teroristang samahang di natin maintindihan kung paano sila nakakalusot sa COMELEC.

Narito ang isang natatanging partido na dapat na maluklok sa Kongreso – ang MAAGAP (Movement of Active Apostolic Guardians Association of the Philippines) PARTY. Ang mga markadong MAAGAP ay sa pangunguna ni #1 Kuya Roy, Supremo Dan’ Taguinod #2 Kuya Alex ‘NC APQ’ Quillope #3 Kuya Dante Mirambil #4 Ate Lynie Panganiban at #5 Kuya Jose Defeo, Jr. Plataorma ng MAAGAP ang kaayusan, Kabuhayan, Kalusugan, at Edukasyon. Sa sunod nating pitak ay ang profile ng prestihiyong samahan…

ABANGAN!!!