Advertisers
MAS lalong tumaas ang tiwala ng tao kay Vice President aspirant at Davao City Mayor Inday Sara Duterte, ayon sa bagong Social Weather Station (SWS) survey.
Ang naturang survey ay naging malinaw ng basehan na kondisyon na ang puso at isipan kung sino ang ihahalal ng mga ito sa darating na eleksyon sa Mayo ng taong kasalukuyan.
Bukod kay VP aspirant Mayor Inday, nanguna din ang ka-tandem nito sa pagka-Pangulo na si dating Senador Bongbong Marcos.
Ang naturang survey umano na nauna nang lumabas sa social media ay hiling ng Stratbase ADR institute para sa isa sa kalaban ni Duterte sa pagka-Pangulo.