Advertisers

Advertisers

Itim na Nazareno dadalhin sa Manila Cathedral

0 241

Advertisers

HINDI na kailangan magtungo sa Quiapo Church sa Maynila ang mga nagnanais na makita ang imahe ng Itim na Nazareno.

Dadalhin ang Black Nazarene sa Manila Cathedral sa Intramuros mula Enero 6 hanggang Enero 7.

Sa schedule na inilabas sa Facebook ng simbahan, dadating ang Black Nazarene ng alas-dos ng hapon sa Huwebes.



Magkakaroon naman ng misa ng 7:30 ng umaga at 12:10 ng tanghali sa Biyernes.

Pangungunahan ni Fr. Earl Valdez ng Quiapo Church ang Thanksgiving Mass ng12:10 ng tanghali.

Nanawagan naman ang Manila Cathedral sa mga gustong puntahan ang Itim na Nazareno na sumunod sa mga health protocol.

Ang pagdala sa Manila Cathedral ng Itim na Nazareno ay parte ng Feast of the Black Nazarene sa Enero 9.

Suspendido parin ngayong 2022 ang “traslacion” ng Nazareno.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">