Advertisers

Advertisers

DILG atras sa pagpapaaresto sa ‘di bakunado…PAPAUWIIN NALANG!

0 382

Advertisers

NILINAW ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pauuwiin lang sa kanilang mga bahay at hindi kaagad na aarestuhin ang mga hindi bakunado.

Ito ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Barangay Chairman na arestuhin ang mga hindi bakunado na lalabas ng kanilang bahay.

Ayon kay Año, lilimitahan lang ang paglabas ng mga hindi bakunado, at sakaling sila ay lumabas ay pababalikin lang sila sa bahay, at aarestuhin lang kung sila ay magpipilit na lumabas at lalaban sa mga law enforcer.



Nagbabala rin si Año sa mga may hawak ng pekeng vaccine card na kaagad aarestuhin.

Inatasan din ang kapulisan at barangay na magtayo ng checkpoints upang matukoy ang mga hindi bakunado na lumalabas ng bahay.



Maging ang mga Barangay Chairman na hindi kikilos ay posible ring kasuhan dahil sa kapabayaan.

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa Alert Level 3 hanggang Enero 15 dahil sa paglobo ng covid cases. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">