Advertisers

Advertisers

Si Lopez ang ‘bet’ ni Yorme sa Maynila?!

0 453

Advertisers

SINANG-AYUNAN ni Yorme Isko Moreno ang suhestyon at programa ni Mayoralty Candidate Atty. Alex Lopez na palawigin ang pagbabayad ng buwis ngayong 2022.

Sa City Resolution No. 289, hanggang Marso 31, 2022 na ang deadline sa business permit o may 70 araw na palugit para bayaran ang buwis sa city hall.

So, nagkakasundo pala sina Yorme at Atty. Alex? Paamo na si VM?!



***

PERO sa orihinal na plataporma de gobyerno ni Atty. Lopez, higit pa rito o 7 buwan ang nais niyang extension sa pagbabayad ng buwis ng mga Manileno lalo’t patuloy na nakakaranas na krisis sa pandemya.



Bukod dito, hindi lamang sa business, kundi pati amilyar at iba pa bayarin sa city hall ang nais palawigin ni Atty. Lppez hangga’t makabangon ang Manileno.

Okey ‘yan, ikaw talaga ang ‘da best Atty. Lopez!



***

IBA talaga mag-isip ang isang ekonomista kumpara sa isang dermatolohista. Ang isang ekonomista, iniisip kung paano sosulusyunan ang isang problema,.

Samantalang ang isang dermatolohista naman, make-up solution lang o pantakip sa problema ang alam .

In short, pamasak butas lang solusyon, parang mukha n’ya butas-butas!

***

KAYA pala top choice talaga ng Manileno si Atty. Lopez, dahil may managerial expertise, financial genius kung paano mapapaunlad ang Maynila at Manileno.

May 15 bilyon piso utang ang Maynila, napakalaking hamon ito sa susunod na mamumuno sa city hall kung paano masosolusyunan ito.

Muli, kailangan natin ng isang ekonomista, hindi ng isang dermatolohista!

EX-CONGRESSMAN AMADO BAGATSING, NAGHAHANAPBUHAY NA LANG!

TOTOO pala hindi seryoso sa kanyang kandidatura itong si dating Manila Congressman Amado Bagatsing. Bakit kamo?!

Tumatakbo kase si Ex-Cong Amado na Alkalde ng Maynila sa ikatlong pagkakataon ng walang political party bitbit, walang ka-tandem na Vice Mayor, walang line-up na congressman at mga konsehal, walang mga leaders.

Naghahananap-buhay na lamang daw ito!

***

ANG tanging ka-tandem ni Ex-Cong ang kanyang anak na si incumbent Congresswoman Cristal Bagatsing. Napakalungkot naman ng kanilang tandem: Bagatsing for Mayor, Bagatsing for Congressman.

Kumpara sa kandidatura ni Atty. Alex Lopez, na mula sa taas hanggang baba ay kumpleto. Dala si Atty. Lopez ng Bongbong-Sara tandem, may line-up na congressman at konsehal sa bawat distrito.

Higit sa lahat may mga leaders sa bawat sulok ng Maynila!

***

DAHIL ang mga ipinagmamalaking mga KABAKA leaders ni Ex-Cong nagsilayasan na sa kanya!. Paano ba naman, Mayor na takbo mo, anak mo congresswoman, tapos partylist KABAKA pa rin?! Ka suwapang naman!

Kaya daw pala kumalas sa KABAKA ang kanilang mga leaders gaya ni chapter president Joseph Magbutay sa Dist. V, gayundin si Aling Norma Garin sa Dist. II at iba pa leaders na umano’y dismayado sa mag-ama dahil sa katakawan sa posisyon sa gobyerno.

Naku, si Bing Tecson na lang pala ang naniniwala kay Amado!