Deadline ng business permit renewal/payment, extended ng 70 days – Isko
Advertisers
GOOD news para ss lahat ng may negosyo sa Maynila.
Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na ang deadline para sa renewal ng business permits payment para sa iba pang obligasyon ay extended sa loob ng 70 araw.
Ginawa ni Moreno, na tumatakbong presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, ang anunsyo sa kabila na hindi pa tapos ang orihinal na deadline na nakatakda sa January 20.
“Pag Enero, alam ko sabay-sabay ang nagpupunta to renew business permits at magbayad ng obligations to the city. Dahil sa pagbulusok ng impeksyon, minabuti naming before the January 20 deadline ay i-extend na ito ng 70 araw pa para maiwasan ang pagsasabay-sabay,” sabi ni Moreno.
Pinasalamatan at pinuri ng alkalde sina Vice Mayor at Manila City Council Presiding Officer Honey Lacuna, majority floorleader Atty. Joel Chua, president pro tempore Jong Isip at ang lahat ng city councilors sa mabilis na pagpasa ng Council Resolution 289 na siyang responsable sa pagkakaroon ng panibagong extension ng deadline.
“Para dahan-dahan lang. Sa ganitong paraan man lamang ay malaman ninyo na may gobyerno, na inuunawa namin kayo at ang sitwasyon ninyo na while you want to pay, inuunawa din naming ang kaligtasan ninyo,” ayon kay Moreno .
Tiniyak ng alkalde sa lahat ng mga negosyante sa lungsod na ang mahabang panahon ng extension para sa deadline ay upang makapag-renew ng kanilang mga business permits, makapagbayad ng obligasyon ang mga negosyante nang hindi nago-over crowding.
Inatasan din ni Moreni si business permits chief Levi Facundo na gumawa ng mga adjustments dahil gusto niyang mahikayat ang mas marami pang business investors sa Maynila.
Ayon kay Facundo ang mga magre-renew nang maaga simula sa January 1 hanggang January 20 ay bibigyan ng diskwento habang ang mabibigo naman na ma-meet ang deadline ay may kaukulang penalties.
Pero dahil sa bagong labas na resolusyon, sinabi ni Facundo na ang lahat ng penalties, interests at surcharges ay automatikong babalewalain na para sa magbabayad nang lagpas sa January 20.
“Wag na kayong mangamba, kasi ang gusto ko, me negosyo kayo, para me trabaho naman para sa bawat tao,” sabi ni Moreno.
Ang nasabing council resolution, ayon pa kay Moreno ay magbibigay din ng ibayong panahon para sa mga businessmen at accountants para ihanda ang kailangang dokumento at records. (ANDI GARCIA)