Advertisers
Nanawagan si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno Domagoso sa Commission on Elections (Comelec) ng agarang imbestigasyon tungkol sa umanoy hacking ng servers ng komisyon.
Ayon kay Domagoso, kailangang kumilos ngayon ang pamunuan ng Comelec at ipakita sa mga kandidato at sa mga botanteng Pilipino, ang pangako ng Kagalang-galang na Komisyon sa isang malinis at kapani-paniwalang halalan.
“Make these hackers, these culprits, pay for the crime they committed! Whether they are from within or outside the Comelec, this brazen act committed by these hackers, which further attempts to diminish the integrity of the upcoming 2022 national and local elections in the Philippines, should not go unpunished,” pahayag pa ng standard bearer ng Aksyon Demokratiko.
Giit ni Domagoso, ang nasabing usapin ay labis na makaapekto sa 2022 National and Local elections.
Aniya dapat kalampagin ang Comelec at tanungin ang agaran nilang gagawaing aksyon hinggil sa pagnanakas ng hackers ng mga files at mahahalagang impormasyon sa Comelev server na may kaugnayan sa darating na halalan.
“Nakasalalay sa paninindigan natin para sa isang patas at malinis na eleksyon, maging automated man ito o hindi, ang kinabukasan ng ating bansa at demokrasya,” diin pa ni Domagoso.(Jocelyn Domenden)