Advertisers

Advertisers

Pulis tinumba ng 4 gunman

0 264

Advertisers

Patay ang isang pulis nang pinagbabaril ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki sa Northern Samar nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Staff Sergeant Joerel Pajac, 39-anyos, na naka-assign sa Northern Samar Provincial Intelligence Unit.

Ayon sa ulat, pababa mula sa isang bangka sa Barangay Calinguan, sa bayan ng Catubig si Pajac nang pagbabarilin ng apat na salarin.



Hindi umano agad tumumba ang biktima at nakatalon pa ito sa isang ilog upang makatakas ngunit sinundan pa ng mga salarin at pinaulanan ng bala.

Natagpuan naman ang katawan ni Pajac matapos ang isang oras, na may tama sa ulo at kaliwang balikat.



Dinala pa si Pajac sa pagamutan ngunit idineklara rin dead on arrival.

Agad na sinimulan ng mga pulis ang pursuit operation upang maaresto ang mga salarin sa naturang krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">