Advertisers

Advertisers

Lolo kinatay, isinilid sa septic tank

0 402

Advertisers

Kalunus-lunos ang sinapit ng 75-anyos na lolo nang patayin ng hindi kilalang salarin at isinilid pa ang katawan nito sa isang septic tank sa Sitio Kurba, Brgy Castañas, Sariaya, Quezon , Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Valdoria, residente ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Sariaya Police, ala-una ng hapon nang madiskubre ng 8-anyos na apo ng biktima ang krimen. Habang hinahanap umano ng bata ang kanyang lolong si Benjamin napansin nito ang isang duguang tsinelas malapit sa isang butas ng septic tank sa likod ng bahay ng nasabing biktima.



Sa pag-uusisa ng bata, naisip nitong silipin ang septic tank at dito na tumambad ang kanyang lolo na wala nang buhay kung kaya agad niyang ipinagbigay-alam ito sa kanyang tiyuhin.

Nang dumating ang mga pulis sa lugar, napansin nila ang saksak sa mukha ng matanda na dahilan sa agaran nitong pagkamatay.



Inaalam pa ng otoridad ang motibo ng pagpaslang sa biktima at ang responsable sa karumal-dumal na krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">