Advertisers

Advertisers

Kumilos naman kayo para sa mga guro

0 293

Advertisers

MALAPIT nang matapos ang termino ng Ika-18 Kongreso, ngunit hindi naging adyenda nito ang umento sa sahod ng mga guro.

May ilang senador at kongresista sng nagyabang na tagapagtanggol sila ng mga guro, ngunit wala silang ginawang panukalang batas upang tumaas ang sahod ng mga guro.

Pokaragat na ‘yan!



Panay kayabangan ang pinairal, pulos pangako at walang tigil na daldal sa kanilang press releases, subalit balewala sa kanila ang mga guro.

Napakababa ng sahod ng mga guro hanggang kasalukuyan.



Ang tumaas sa kanila ay mga trabahong ipinagawa ng pamunuan ng Department of Education (DepEd).

Sana, sa susunod na Kongreso ay mabago naman ang isipan at hilig ng mga senador at kongresista.



Bigyan naman nila ng panahon ang sahod ng mga guro.

Hindi mahirap isipin ang umento sa sahod ng mga guro.

Hindi rin mabigat ipaglaban ang pagtaas sa kanilang sahod, sapagkat ang pondong ilalaan ng pamahalaan para sa mga guro ay hindi masasayang.

Ito’y dahil mapupunta ito sa bulsa ng bawat guro, hindi sa mga pulitiko.

At hindi solong mapakikinabangan ng mga guro ang dagdag sa kanilang sahod, kundi ng kani-kanilang mga pamilya.

Matagal nang napabayaan ng senador at kongresista ang mga guro.

Kaya, nararapat lamang na atupagin ng mga senador at kongresista ang dagdag sa sahod ng mga guro.

Upang maganap ito, kinakailangang manalo ang mga kandidato sa pagkasenador at pagkakongresista na magiging tunay at seryosong kakampi ng mga guro sa Kongreso.