Advertisers

Advertisers

Rep. Hataman nanawagan sa Comelec, pabotohin ang 200k botante sa North Cotobato

0 209

Advertisers

TILA hindi kanais-nais ang kagustuhan ng Commission on Election (COMELEC) na ipagkait sa umaabot sa 200,000 indibidwal na mamamayan mula sa North Cotobato na makapili ng kanilang kakatawan at maging lider ng lokal na Pamahalaan sa darating na National Election ngayong buwan ng Mayo 2022

Biruin nyo mga Ka Usapang HAUZ binigyan ng karapatang maka-boto ng Comelec ang 200k voter’s ng mamamayan ng North Cotobato na tanging mga kandidato lamang mula sa Nasyunal ang kanilang pipiliin at ipinagkait ang pagpili sa mga lokal officials na gagabay sa kanilang pagangat sa buhay, kaya NoEl sa lokal ang tawag dito.

Kaya mga Ka Usapang HAUZ hindi nakapag pigil na magsalita ang Deputy Speaker ng House of Representatives Basilan Rep. Mujiv Hataman na ang halalan ay karapatan ng mga mamamayan na pumili ng mga kandidatong kakatawan sa kanila at sa kanilang mga adhikain at pangangailangan na huwag sana nating ipagkait sa mga Moro na nasa North Cotabato ang pumili ng kanilang mga lider sa lokal na pamahalaan.



May panawagan si Basilan Rep. Hataman be sa Commission on Elections to seriously reexamine its decision disallowing over 200,000 voters in North Cotabato from participating in the local elections this coming May.

Paliwanag pa mga Ka Usapang HAUZ ng butihing Mambabatas, The poll body on Jan. 3 barred over 200,000 voters in 63 Special Geographic Areas (SGA) in North Cotabato to vote for candidates in the local elections and only allowed them to vote for those running in national positions.

These 63 SGAs form part of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), but have yet to be reconstituted to their respective local governments under the Bangsamoro Organic Law.

Dagdag pa ni Rep. Hataman na dating ARMM governor mga Ka Usapang HAUZ na hanggang hindi pa sila pormal na naitatalaga sa kanilang lokal na pamahalaan sa BARMM, marapat lamang na manaig muna ang status quo at payagan silang bumoto para sa lokal na halalan sa North Cotabat, Dahil magkakaroon tayo ng sitwasyon na wala silang kinatawan sa pamahalaan.

“Kapag wala kang kinatawan sa pamahalaan, sino ang magsusulong ng interes mo? Sino ang lalaban para sa kapakanan mo? Sino ang titingin sa mga pangangailangan mo? Let us not disenfranchise 200,000 of our voters. Let us allow them to vote in May,” matapang na pahayag nito mga Ka Usapang HAUZ.



COMELEC’s decision, Hataman added, does not only work to disenfranchise the voters but also deprives them of their right to suffrage.

“Ang pagboto sa halalan ay isa sa mga ‘great equalizers’ para sa ating mga kababayan. Anuman ang estado mo sa buhay, lahat tayo ay pantay-pantay it iisa lang ang boto. Huwag natin itong ipagkait sa mga kababayan natin sa North Cotabato na nawalan ng karapatang bumoto sa Mayo,” huling pahayag ng mambabatas.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036