Advertisers
Arestado ang isang Korean national na wanted sa batas sa Parañaque City nitong Linggo, Enero 16.
Kinilala ang naaresto na si Chungho Lee, 37, pansamantalang nanunuluyan sa Azure Residence, Brgy. Marcelo Green, Parañaque City.
Sa ulat ng Southern Police District, inaresto ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang suspek na si Lee sa Azure Residence,. Brgy Marcelo Green sa nasabing lungsod, 2:40 ng madaling araw.
Sinabi ni SPD chief Brig. General Jimili Macaraeg na isang international fugitive si Lee ayon sa Interpol Red Notice para sa criminal act 347-(1) Fraud na may Arrest Warrant Control No. 2018-4490 na inisyu ng Seoul Bukbu District Court, Republic of Korea na may petsang Abril 20, 2018.
Inaresto si Lee sa pamamagitan ng joint Law Enforcement Operation ng mga tauhan ng Parañaque Station Intelligence Section, Station Investigation and Detective Management Section, Police Sub-station 8, at Armed Forces of the Philippines sa pangunguna ni Maj Brent Ian Salazar.
Ang Korean suspect ay agad na ititurn-over sa Bureau of Immigration Main Office para sa kaukulang disposisyon nito.