Advertisers

Advertisers

144 katao timbog sa gun ban

0 298

Advertisers

Umabot na sa 144 katao lumalabag sa election gun ban ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) mula nang ipatupad ito nitong Jan. 9, 2022.

Ayon kay PNP Chief Gen Dionardo Carlos, umabot na sa 144 katao ang naaresto habang 121 mga firearms ang nakumpiska sa isinagawang 126 na operation mula noong Jan. 9, 2022.

Sinabi ni Carlos na umabot naman sa kabuan bilang na 512 na firearms kabilang ang deadly weapon, replica gun ang nakumpiska.



Base sa Commission on Election resolution, ipinagbabawal ang pagdadala, pagbibiyahe ng mga baril o deadly weapon sa labas ng bahay ng mga pampubliko mga lugar mula Jan. 9 hanggang June 8, 2022 sa pagsisimula ng election period.

Ang paglabag sa kautusan mayroon kaparuhasan ng pagkakakulong ng 1 taon hanggang 6 na taon na walang probation.



Maaring rin maharap sa disqualification sa paghawak ng public office, pagboto at pagkansela o disqualification sa pagkuha ng gun license. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">