Advertisers
It’s no longer a question of staying healthy. It’s a question of finding a sickness you like. — American comedian Jack Mason
SA kabila ng pahayag ng World Health Organization (WHO) na mas nasa panganib ang mga indibiduwal na hindi bakunado na tamaan ng Covid-19 Omicron variant, lumalaganap ang oposisyon sa polisiya na limitahan ang mobilidad sa mga taong hindi pa nagpapabakuna at sinabi pa ng ilang mga mambabatas na ang nasabing patakaran ay ‘discriminatory’ at may bahid ng paglabag sa karapatan sa konstitusyon.
Sa pinakahuling sinabi ng WHO, hindi maaaring balewalain ang mutated Omicron variant dahil sadyang mapanganib ito at lalo na para sa mga hindi bakunado laban sa severe acute respiratory syndrome-coronavirus 2 (SARS-CoV-2) na sanhi ng sakit na Covid-19.
Gayun man, tinuring ni Senate president Vicente ‘Tito’ Sotto III ang desisyon na bigyan ng mga restriksyon ang mga wala pang bakuna bilang discriminatory at ditto ay sumang-ayon si senador at PROMDI presidential aspirant Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao para tanggihan ang polisiya at sabihin sa pamahalaan na mas makakbuti kung magbibigay ito ng libreng at accessible na rapid antigen at RT-PCR test sa publiko.
Partikular na binatikos ni Sotto ang ‘no vaccine, no ride’ policy na ipapatupad sa mga pampiblikong transportasyon at hiniling nito sa gobyerno na maging malikhain sa pagkumbinsi o paghimok sa mamamayan na magpabakuna na para saa kanilang proteksyon sa kalusugan.
Sa kabilang dako, kinuwestyon ni Pacquiao ang kakilangan ng maayos at mapagkakatiwalaang contact tracing mobile application habang pinunto na mas matutugunan ng bansa ang pandemya sa pamamagitan ng mass testing at epektibong contact tracing.
Ani Pacman, imbes na pagbawalan natin ang mga unvaccinated na lumabas at maghanapbuhay, mas maganda na gawin nating libre at accessible ang antigen test. At kapag positive ang isang natest, libre din ang isasagawang confirmatory RT-PCR test. Kailangan natin palakasin ang mass testing natin sa halip na i-discriminate ang mga hindi pa bakunado,” idiniin ng Pambansang Kamao, na tumatakbo bilang pangulo sa ilalim ng partidong PROMDI.
Sinabi rin ni Pacquiao na ang stratehiya na kanyang iminumungkahi kapalit ng of the unvaccinated restriction policy ay bibigyang-daan ang mga awtoridad na maayos na ihiwalay at i-isolate ang mga may sakit nang hindi na kinakailangan pang bawasan ang mga karapatan ng mga hindi bakunado.
Bukod dito, tinukoy din ng senador na mabibigyan ang pamahalaan ng pinakamainam na pamamaraan para rumesponde sa pandemya nang hindi kailangan pang magpatupad ng mga heightened alert level at community lockdown.
Sa huli, nagpahayag ng pagtataka si Pacquiao kung bakit makaraan ng mahigit dalawang taon ng Covid-19 pandemic, ang gobyerno ay hindi pa nakakapaglikha ng isang universal at integrated contact tracing system.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!