Advertisers

Advertisers

Jeep bumulusok sa bangin: 1 tepok, 5 grabe

0 385

Advertisers

Patay ang isang katao at liman ang sugatan nang mahulog at bumaligtad ang kanilang sasakyan sa bangin, malapit sa ilog sa Sitio Mapait, Barangay Poblacion, Luba, Abra noong umaga ng Biyernes, Enero 21.

Kinilala ang nasawi na si Dey-ann del Rosario Biernes, 23, ng Barangay Supo, Tubo, Abra.

At ang mga sugatan na nilapatan ng lunas sa Luba Regional Health Unit kinilalang sina Pixie-Ann del Rosario Biernes, 20; Alberto Dogayan, 61; March Annaban Baltazar, 59; Joe Bonggayan Kanor, 48; at Oliver Apangwen Wilan, 39, drayber at pawang taga Tubo, Abra.



Sa ulat, papadaan ang nasabing jeep sa Luba-Manabo Road, Barangay Poblacion, Luba, 6:50 ng umaga, nang makasalubong nito ang isang sasakyan.

Tinangkang pagbigyan ng jeep ang kasalubong na sasakyan, subali’t nawalan ng kontrol ang drayber at nahulog ito sa bangin at bumagsak itong nakabaligtad sa mabatong lugar ng ilog.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">