Advertisers

Advertisers

OFW sinaksak ng 55 beses ng ka-live in

0 306

Advertisers

Patay ang isang babaeng overseas Filipino worker nang magtamo ng aabot sa 55 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kagagawan ng kaniyang kinakasama sa Sipalay City, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Enelisa Petua, 30-anyos.

Naaresto naman at nakakulong ang salarin na si Jhondad Sase.



Napag-alaman na nagtrabahong OFW sa Saudi Arabia si Petua at kauuwi lang sa bansa ngayong Enero.

Ayon kay Police Major James Latayon, hepe ng Sipalay Police station, matinding selos ang lumilitaw na motibo sa krimen.



Lasing umano si Sase nang bumili ito ng kutsilyo at pinuntahan ang biktima sa tinutuluyang boarding house.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa nang komprontahin ni Sase si Petua na mayroon umanong ka-chat na dayuhan.



Ang komprontasyon, nauwi sa malagim na krimen nang pagsasaksakin ni Sase ang biktima.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso si Sase.