Advertisers
LEGAZPI CITY – Palaisipan pa sa mga otoridad kung ano ang motibo sa nangyaring pamamaril sa dalawang pamilya sa Barangay Capaculan, Milagros, Masbate.
Ayon kay PMaj. Rustom Dela Torre, hepe ng PNP, dead on the spot ang tatlong biktima na nakilalang sina Bengie Cataga, Jonel Verona, at Jeddah Raven, pawang residente ng barangay Capaculan.
Sugatan naman sa insidente ang limang iba pa na sina Juanito Cataga, Artemio Cataga, Michille Cataga, Niño Rosero, at Felomina Dizon na nagpapagaling na sa ospital.
Sa ulat, 9:20 ng gabi bigla na lamang dumating sa bahay ng mga biktitma ang hindi pa nakikilalang mga salarin at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang 9mm, caliber 45 pistol at 5.56 rifle sa Barangay Capaculan.
Tinatayang nasa 300 meters ang pagitan ng mga bahay ng dalawang pamilya.
Inaalam pa ang motibo ng mga salarin sa krimen.
Ayon kay Dela Torre, may binabantayan nang person of interest at ginagawa ang lahat upang maaresto ang mga ito.