Advertisers

Advertisers

VLOGGERs NG ‘SHOOTING DRAMA’, HINAHANTING

0 198

Advertisers

NAKAHANDANG sampahan ng kasong kriminal ng Marikina City police ang mga responsable o nasa likod nang nag-viral na video sa social media kung saan nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawang motorista na humantong sa ‘shooting incident’, di kalayuan sa River Park, Marikina City.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni NCRPO spokesperson Lt. Col Jenny Tecson na sasampahan ng kasong kriminal ng PNP-Marikina ang mga iresponsableng vloggers na gumawa ng scripted ‘shooting drama’ na lubhang nakaapekto umano sa isang tahimik na lugar.

Ayon kay Marikina City Police chief Col. Capili, ang malisyosong gawa-gawang video ay nagdulot ng maling impormasyon sa publiko at naglalagay din ng masamang imahe sa hanay ng pulisya.



Nabatid mula sa video ng vlogger na tinakasan ng isang driver ng kotseng Innova na may plakang NDG-5034 ang nabangga nito, at dahil sa nagmamalasakit ang dalawang rider ( isa dito ang vlogger ) ay hinabol nila ang sasakyan hanggang malapit sa river park kung saan ay nagkaroon ng pagtatalo na humantong umano sa ‘pamamaril.’

Bunga nito, maraming netizens ang nakisimpatiya at naawa sa biktima dahil sa nakita nilang video na sa pag-iimbestiga ng pulisya ay walang katotohanang nangyari. Nagdulot lamang nang pangamba sa publiko ang ginawang panlilinlang ng mga vloggers.



Napag-alaman sa impormasyon na binura ang Facebook page ng may-ari ng account kung saan ipinost ang kumalat na video. Gayunpaman, patuloy pa ring nangangalap ng impormasyon ang mga otoridad para sa ikadarakip ngmga vloggers.(Jojo Sadiwa)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">