Advertisers

Advertisers

First Blood bank station ng Philippine Red Cross sa Novaliches, binuksan

0 214

Advertisers

PARA matugunan ang mga nangangailangan ng dugo sa panahon ng Pandemya binuksan ngayong araw January 27, 2022 ang kauna unahang Blood bank station ng Philippine National Red Cross sa Novaliches, QC.

Personal na pinangunahan ni Quezon City 5th district Councilor PM Vargas, head ng Red Cross Novaliches branch kasama si Congressman Alfred Vargas ang kauna unahang Blood Bank ng District 5 QC na matatagpuan sa Pamayanang Malusog Building sa Barangay Hall Compound ng Greater Fairview Quezon City.

Sinabi ni Vargas, napapanahon ang pagbukas ng blood bank dahil sa dami ng tao na nangangailangan ng suplay ng dugo at handa rin ang Red Cross na tumanggap ng blood donors para sa kabubukas na blood bank.



Nabatid na sa unang araw na pagbubukas ng Blood bank mahigit 10 katao din ang nag donate ng kanilang dugo para makatulong sa mga nangangailangan nito.

“Malaking tulong ang pagbubukas ng Blood bank sa mga taga Quezon City lalo ngayon nahaharap tayo sa problema ng Pandemya dulot ng Covid 19,” ani Vargas.



Samantala nakiisa rin sa okasyon ang mga opisyal ng Barangay Fairview sa pangunguna ni Chairman Joenel Quival at QC Red Cross OIC Janice Adolfo.

Kaugnay nito nagpahayag rin ng kahandaan ang Red Cross na tumanggap ng blood donors para sa kabubukas na blood bank sa Fairvieiw Quezon City.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">