Advertisers

Advertisers

Negosyante, tiklo sa pagbebenta ng wild birds

0 107

Advertisers

ARESTADO sa isinagawang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, Barangay Intelligence Unit at Bulacan Environment and Natural Resources (BENRO) ang isang negosyante na nag bebenta ng indangered Spicies na Ibon, sa Hulo St. Brgy, San Jose Patag Sta. Maria, Bulacan.

Sa report ni PMSgt.Jayson Dela Cruz kay CIDG Provincial Officer PLt. Col. Dave Mahilum kinilala ang nadakip na suspek na si Raymond Manuel Y San Diego, 40 anyos, binata, negosyante at residente sa nabangit na lugar.

Sa report, 3:10 ng hapon nang isagawa ang buy bust operation.



Ayon kay Provincial BENRO Atty. Julius Victor C Degala, nabawi mula sa suspek ang 2 Hornbill, isang Crow, o Uwak, Kwago at iba pang mga endangered species na ibon na nanganganib ng maubos.

Samantala, detenido ngayon ang suspek sa CIDG detention cell sa kasong paglabag sa R.A 9147 (An Act providing for the conservation and protection of wildlife resources and their habitats).(Thony D. Arcenal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More