Advertisers

Advertisers

DAGDAG PROTEKSIYON ANG BOOSTER SHOT – SEN. GO

0 246

Advertisers

PINAALALAHANAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang mamamayan na magpabakuna at magpa-booster kapag kuwalipikado na sila dahil ipinupunto ng gobyerno ang kahalagahan ng booster doses bilang dagdag proteksiyon laban sa COVID-19.

“Hinihikayat ko po ang lahat na magpabakuna at magpa-booster na lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” saad niGo.

“Kaya ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na tayo sa pinakamalapit nating vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” dagdag pa ni Go.



Sa press briefing nitong January 25, ang booster shots ayon kay acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles ay makatutulong sa bawat isa na maiwasang magkaroon ng severe o critical case ng COVID-19.

“Mismong si Pangulong Duterte ang nagbigay-diin noong Disyembre hinggil sa halaga ng booster shots, lalo na para sa pagkontrol ng pagkalat ng nakakahawang Omicron variant,” saad ni Nograles.



Sa vaccination targets ng gobyerno ay inihayag ni Nograles na bahagi ng National Vaccination Program sa ating bansa na maibigay ang 72.16 milyon boosters sa mga adult population ngayong taon.

Inihayag din nito na ang immunization target group ay kinabibilangan ng 12.74 million children aged 12 to 17 at 15.56 million children aged 5 to 11 na tatanggap ng primary series vaccines at booster doses.



Bunsod nito, kakailanganing mag-hire ng karagdagang vaccinators para magarantiyahan ang pagbabakuna sa ating bansa. Hinihikayat din ang mga local government unit na makipagtambalan sa mga private sector upang mapataas ang public demand para sa primary at booster vaccinations.

“Importante na bakunado kayo para maiwasan niyo ang mga severe na sintomas ng sakit kung ma-infect man kayo. Kaya ‘wag kayo matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19 dahil ito ang nakakamatay. Gaya ng sabi ng mga eksperto, if you’re not protected against COVID-19, the virus will itself find you and infect you,” paalala ni Go.

Ang gobyerno ay nakapagsagawa na ng 124.5 million COVID-19 doses, hanggang nitong January 25. Mahigit na 59.9 million individuals angntumanggap ng kanilang first dose at 57.8 million Filipinos naman ang fully vaccinated. Halos 6.7 million ang nakapag-booster shots na. Ang ating bansa ay tumanggap ng kabuuang mahigit sa 216 million COVID-19 vaccine doses hanggang nitong January 25.

“Lagi natin alalahanin na hindi kaya ng gobyernong mag-isa ang laban kontra pandemya. Hindi rin kakayanin ng mga frontliners kung patuloy na dadami ang kailangang dalhin sa mga ospital. Preventing the spread of COVID-19 starts with us by being responsible citizens and following health and safety protocols,” saad ni Go.

“Magtulungan tayo para hindi bumagsak ang ating healthcare system habang binabalanse natin na pasiglahin muli ang ating ekonomiya,” dagdag pa niya.