Advertisers
Binabatikos ng ilan ang isang tumatakbong alkalde ng lungsod ng Maynila na bigla na lamang lumutang ito sa mundo ng politika at hindi naman alam kung ano ang kayang gawin nito.
Para sa kaalaman ng lahat isang ekonomista, negosyante at abogado ang kasalukuyang Manila Mayorlty candidate na si Atty. Alex Lopez.
Sa panahong hindi pa pumapaimbulog sa larangan ng politika si Atty. Lopez marami na itong nagawa at naitulong sa kapwa partikular na sa mga Manilenyo.
Hindi naging maingay ang pangalang Alex Lopez dahil hindi naman niya kailangan ipagyabang ang mga naitutulong niya sa ibang tao dahil taos puso ito at may pagmamahal. Isang taong madaling lapitan.
Isa nga sa patuloy nitong ginagawa ang pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral. Katunayan marami siyang mga scholar sa Lyceum University na pag-aari ng kanyang maybahay na si Ginang Sarah Lopez at nagbibigay ng libreng gamot at libreng pa ospital sa libo-libo niyang mga empleyado.
Maging ang anak ni Atty. Lopez na si Lorna Lopez, isa rin youth advocate.
Todo suporta ito sa kanyang ama sa paghubog ng mga youth leaders para sa ‘Better Brighter Millennial Manila’.
At kung sakaling papalaring manalong bagong Mayor ng Maynila si Atty. Lopez sisiguraduhin nitong mas maraming kabataan ang makikinabang sa kanyang ‘scholarships program’ at mas maraming rin trabaho itong maibibigay sa mga Manilenyo.