Advertisers

Advertisers

Sue ‘di feel maranasan na maging kerida; Kris itinuturing na ka-forever ang alalay

0 179

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NANINIWALA si Kris Aquino na may forever kahit  hindi sa mga nakarelasyon niyang lalaki at yun daw ay sa katauhan ng kanyang personal  assistant  na si Alvin Gaqui.

Ni-repost ni Kris sa kanyang social media na may petsang May 2, 2021, may kuha silang larawan ni Alvin na nagsasabing, “Thank you…You have proven to me may forever.”



Nu`ng kaarawan ni Alvin last year ay binigyan siya ni Kris ng surprise birthday party.  Sa post ni Kris ay all praises ito sa kanyang personal assistant para patunayan na may forever.

Ayon kay Kris ay 16 years na raw silang magkasama ni Alvin through thick and thin.



He has seen me at my best & at my worst. And he has  stayed. I value LOYALTY, but  i  recognize LOVE. And I do keep my promises…si Alvin ang puwedeng magkuwento ng lahat ng mga natupad ko at lahat pa ng tutuparin ko pero siguro this is a testament  na for me he is a FAMILY. We have 4 slots in the Church of Fr. Betbet in BGC for our  ashes ( I`m not being morbid. I`m just  organized).

“I told Alvin, s`ya  ang assured na katabi ko because for sure siya yung mag-aasikaso  nu`ng  services ko, I love you Alvin…Thank you for  truly  loving us, you have proven to me- may FOREVER.”



Sabi pa ni Kris na hindi naman siya morbid pero alam naman daw niya na doon din naman mapupunta ang lahat pagdating ng panahon.

Sa sinabi ni kris ay maraming followers at supporters niya ang nalungkot.

“Para naman siyang namamaalam na. Sana, gumaling na siya agad, huhuhu,” sabi nila.

“We love you Kris Ipagdarasal namin ang maaga mong paggaling.”

“You`re  a  strong woman, ang pagkakakilala namin sa iyo, idol. Lakasan mo loob mo. Kaya `yan…laban ka lang  at  kapit lang lagi kay Papa Jesus.”

Sa kalagayan ngayon ni Kris ay dalangin din ng mga nakasama niyang artista ang maaga niyang paggaling at nanawagan sa kapwa na tigilan na ang pagtuligsa sa hindi na magandang kalagayan ni Kris.

***

NAGSE-celebrate si Sue Ramirez sa tagumpay ng kanilang serye na “The Broken Marriage Vow.

Sa kanyang Instagram post makikita na nagse-celebrate siya na naghanda pa siya ng masasarap na pagkain with matching lechon.

Sabi niya sa post, “celebrating the successful  first few  episodes of #TheBrokenMarriedVow III”

Very vocal na si Sue sa mga press kung gaano siya kasaya, proud and honored para gampanan ang character na other woman sa serye.

Dahil sa sobrang kasiyahan ay pinag-aralan pa niya ang kanyang characer bilang mistress dahil  hindi pa niya nararanasan sa totoong buhay ang maging isang kabit at umaasa siya na hindi niya talaga ito maranasan.

Pero ayaw daw niyang i-judge ang mga nagiging mistress sa totoong buhay.  At aware siya na marami talaga ang napapasok sa ganoong sitwasyon. Katunayan ang pinagbasehan niya ng kanyang character ay kakilala niya pero ayaw na niyang banggitin ang pangalan nito.

“I  know my job as an actor  and I know my limitations as a person  So, that`s  very  good  balance to be working on a set  like this, na ganitong very sensitive ang mga pinag-uusapan.

“As Sue, hindi  talaga ako judgemental na tao unless alam ko ang buong katotohanan at lahat ng nangyari sa sitwasyon, hindi  ako magdya-judge,” aniya.