Advertisers

Advertisers

Kakampink din!

0 420

Advertisers

ISA pang volleybelle na maka-Leni bukod kay Bea de Leon ay si Pauline Gaston, anak nina Fritz Gaston at Duday Mandanas.

Ang Choco Mucho star ay kakampink din pala. Nagawan pa siya ng meme ng kampo ni Leni Robredo na iniindorso si VP bilang Pangulo.

“Iboboto ko si LGR dahil tunay na siya ang magbibigay pag-asa at magandang kinabukasan sa ating lahat.” Yan ang nakasaad sa Fb post na nababasa natin ngayon sa invention ni Mark Z.



Sa UST siya nag-high school at sa ADMU naman kumuha ng kursong Inter-Disciplinary Studies.

Yung ate niyang si Therese ay kasama rin niya sa USTe at Ateneo.

Hindi lang volleyball ang game ni Ponggay bagama’t dito siya sumikat. Naglaro rin ng basketball, football, tennis at badminton.

May time din sinubukan ng 24 anos na dalaga ang swimming at taekwondo.

***



Walang naganap na palitan sa LA Lakers gaya nang inaasahan ng marami. Hula ay isa sila sa mga pinakaktibo dahil nga sa hindi nila magandang season. Ilang alok at package din naman kanilang pinag-aralan.

Kaso ang net result ay hindi pabor sa prangkisa ng mga Buss.

Nasa pang-siyam lang na puwesto sina LeBron James na hindi rin pangkaraniwan kay LBJ.

May tinuturo ang blame kay Russell Westbrook, may sinisisi si Coach Frank Vogel at ngayon dahil sa walang nangyari sa trade deadline si Rob Pelinka na.

Sa totoo lang sila lahat may kasalanan kabilang na sina King James at Anthony Davis. Ang 2 ang nagsulong nang paglipat ni Brodie sa purple and gold.

Malamang tapos na 2021-22 para sa makasaysayang prangkisa. Kung makapasok man ang team sa playoffs ay tiyak mahihirapan sila sa first round pa lang. Suns o Warriors kasi kanilang makakatapat.

Ang malabo nito ay sa isang taon ay ganoon pa rin ang problema nila. Nasa Hollywood pa rin kasi ang may suweldo na $47M na si Westbrook. Malaki pa sina King James at AD. Parehas lang ngayon na nais ng papayag na kausap ay isama 1st round pick nila sa 2027 na ayaw nila pakawalan.

Wala naman silang assest na pag-iintersan ng iba. Puwera na lang kung isama nila sa pakete si LeBrow, Anong paraan o magic ang kaya nilang mabuo?